日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGP02-1

2
Sa panahon ng likas na kapahamakan
Ang Japan ay isa sa mga bansang madalas nililindol. Pagdating naman ng summer at autumn ay maraming dumadating na bagyo. Upang mabawasan ang pinsala mula sa mga likas na kapahamakan, importanteng maging handa sa lahat ng oras at alam kung ano ang dapat gawin sa pagkakataong magkaroon ng likas na kapahamakan.
2-1 Lindol
Ang Japan ay isa sa mga bansang madalas nililindol kaya’t may mga pagkakataon ding may kasama itong tsunami (o malaking alon).
(1) Lakas ng yanig ng lindol
Ang lakas ng yanig ng lindol ay kasalukuyang may 10 grado. Malakas ang yanig kapag malaki ang numero ng grado nito.
Size of earthquakes
Pagkatapos ng isang malaking lindol, mayroon pa itong mga mahihinang lindol na kasunod na tinatawag na yoshin (aftershock) kaya’t mag-ingat dahil minsan ay kasing-lakas din ito ng naunang lindol.
(2) Kapag nagkalindol (manwal tungkol sa asal at kilos)
Sitwasyon sa oras ng paglindol Manwal tungkol sa asal at kilos
Nasa loob ng bahay o gusali
1 Kapag nagkalindol, magtago sa ilalim ng mesa upang matiyak ang sariling kaligtasan.
2 Kapag tumigil ng konti ang yanig, patayin kaagad ang stove o mga bagay kung saan maaaring pagmulan ng apoy.
3 Buksan ang pintuan upang masiguradong may labasan.
4 Mag-ingat sa mga nahuhulog na bagay at huwag magmadali kapag lalabas.
5 Maglakad patungo sa lugar ng paglisan (evacuation place).
6 Makipagtulungan sa mga tao sa paligid at mainam na magdala ng radyo upang makakuha ng pinakabagong impormasyon.
Nasa loob ng elevator
1 Pindutin ang lahat ng pindutan ng maaaring babaang palapag.
2 Tingnan kung maaaring bumaba sa lugar na pinagtigilan.
(Kapag may automatic elevator device implantation, maaaring tumigil ang elevator sa pinakamalapit na floor).
3 Kapag tumigil ang elevator o ayaw bumukas ang pinto dahil walang kuryente, pindutin ang pindutan para sa emerhensiya at maghintay ng sasagot na tao.
Nasa labas ng bahay o gusali
1 Mag-ingat dahil may posibilidad na matumba o mahulog ang mga signboard at sementong pader.
2 Tiyaking walang mga natutumba o nahuhulog sa paligid at magmadaling pumunta sa pinakamalapit na lugar kung saan ligtas sa pinsala.
Nagmamaneho ng sasakyan
1 Hawakan ng dalawang kamay ang manibela at dahan-dahang itigil ang sasakyan.
2 Huwag humarang sa gitna ng kalsada dahil maaaring dumaan ang mga ambulansya o fire truck dito.
3 Iwanan ang susi ng sasakyan, huwag i-lock ito at maglakad patungo sa lugar ng paglisan.
Nasa loob ng tren o sasakyan
1 Humawak nang maigi sa hawakan sa loob ng tren o sasakyan.
2 Kahit na huminto man ang tren sa gitna, huwag buksan ang emergency door at lumabas o tumalon mula sa bintana nang walang pahintulot ng namamahala ng tren.
3 Sundin ang taga-manipula ng tren o mga namamahala ng tren.
(3) Paghanda sa sakuna pagkatapos ng lindol
Sunog ang pinakamadalas na sakuna pagkatapos ng lindol. Upang maiwasan ito, patayin ang lahat ng maaaring pagmulan nito. Kapag tumigil ang isang yanig ng lindol, patayin kaagad ang gas o stove kung ito ay ginagamit. Patayin ang pinaka-main na bukasan ng gas o tanggalin mula sa saksakan ang mga kagamitang de-kuryente. Patayin muna ang breaker ng kuryente kung lilisan (evacuate). Kung sakaling nagkasunog, humingi kaagad ng tulong sa mga kapit-bahay upang mapatay kaagad ang sunog habang maaga.
May mga pagkakataon ding may tsunami pagkatapos ng lindol. Ang tsunami ay kadalasang dumadating bago pa ito ipahayag sa telebisyon o radyo. Kung nakaramdam ng lindol, lumayo kagaad sa dagat at tumungo sa mataas na lugar kung saan ligtas. Posibleng magka-tsunami nang dalawa o tatlong beses kaya hintayin ang mga pahayag ukol dito at huwag muna lumapit sa dagat.


CLAIR