
|
Sa panahon ng likas na kapahamakan |
|
2-2 Bagyo
Maraming bagyo sa Japan mula Hulyo hanggang Oktubre at kasama dito ang malalakas na ulan at hangin. Maaaring magkaroon ng landslide o baha at mag-ingat din sa mga gamit na lumilipad dahil sa lakas ng hangin.
(1) Bagyo
Bagyo ang tawag sa mga tropikal na depresyon na nagmumula sa Pacific Ocean at South China Sea na ang pinakamalakas na bilis ng hangin ay mahigit sa 17.2m/s. Mag-ingat din sa mga hurricane o cyclone dahil malaki din ang pinsalang maaaring idulot nito.
Ang average pressure sa paligid ng Japan ay 1013hPa kaya’t kung may nalalapit na bagyo, bumababa ang pressure dito. Kapag mas mababa ang pressure, may posibilidad na mas malakas ang ulan at hangin.
Ang hangin ng bagyo sa Japan ay counter-clockwise (papunta sa kaliwang bahagi). Ang hangin ay mas malakas sa kanang bahagi ng direksyon kung saan patungo ang bagyo dahil pareho ang direksyon ng hanging dinudulot ng bagyo at ng hanging nagdadala sa bagyo. Naiiba ang laki ng pinsalang naidudulot ng bagyo depende sa patutunguhan nito kaya’t alamin ang pinakabagong balita ukol sa bagyo at maghanda para dito.
Lumalakas ang hangin at tumataas ang lebel ng tubig sa dagat kung may low pressure na nalalapit kaya’t mag-iingat dito. Tumataas ang lebel ng tubig sa dagat nang 1 cm sa bawat 1hPa na pagbaba ng pressure at sa bawat dobleng pagbilis ng hangin. Kung nagkataong high tide ay mas mataas pa ito kaya iwasang lumapit sa dagat sa panahong ito.
(2) Lakas ng bagyo
Ang lakas ng hanging dulot ng bagyo ay nagmumula sa pressure ng gitna ng bagyo at ito ay ipinapahiwatig sa pamamagitan ng pinakamalakas na bilis ng hangin.
| Uri ng lakas ng hangin |
Pressure sa gitna (hPa) |
Pinakamalakas na bilis |
| Mahinang bagyo |
990~ |
17.2~25m |
| Ordinaryong bagyo |
950~989 |
25~33m |
| Malakas na bagyo |
930~949 |
33~45m |
| Napakalakas na bagyo |
900~929 |
45~50m |
| Pinakamalakas na bagyo |
~900 |
Mahigit sa 50m |
(3) Antas ng bagyo (ayon sa laki)
Ang antas ng bagyo ay ipinapahiwatig sa pamamagitan ng sumusunod. Ang rehiyon ng malakas na hangin (kyoufuuiki) ay ang salitang ginagamit sa mga rehiyon na may bilis ng hangin na 15m/s. Rehiyon ng napakalakas na hangin (boufuuiki) naman ang tawag sa mga rehiyon kung saan mas mahigit dito ang bilis ng hangin.
| Antas |
Rehiyon ng malakas na hangin |
| (Walang salita para dito) |
Hindi humihigit sa 500km |
| Malaki |
Mahigit sa 500km ngunit hindi lumalampas ng 800km |
| Napakalaki |
Mahigit sa 800km |
(4) Lakas ng hangin
Ang mga sumusunod ay ang mga pinsalang maaaring idulot ng bagyo.
| Average na bilis ng hangin |
Epekto sa tao o pinsala sa mga gusali at iba pa |
| 10 m/s ang bilis |
Hindi na makagamit ng payong. Magsisiliparan na ang mga signboard o mga yero na hindi nakalagay nang maigi. |
| 15 m/s ang bilis |
Masisira na ang mga greenhouse. Magsisiliparan na ang mga signboard o mga yero. |
| 20 m/s ang bilis |
Maaaring liparin ang mga bata. Hindi na makakatayo kung hindi ibaluktot ang katawan nang 30 degrees. |
| 25 m/s ang bilis |
Mababali ang mga maliliit na punong-kahoy. Maaaring masira ang mga shutter na gawa sa bakal. Mababasag ang mga salamin sa bintana dahil sa mga bagay na nilipad ng hangin. Matutumba ang mga antena at iba pa. Liliparin ang mga bubong at matutumba ang mga pader sa labas ng bahay na hindi nagawang maayos. |
| 30 m/s ang bilis |
Magsisiliparan ang mga bubong at magsisimulang masira ang mga bahay na gawa sa kahoy. Maaaring tumumba ang mga poste. |
| 35 m/s ang bilis |
Maaaring matumba ang tren. |
| 40 m/s ang bilis |
Hindi na makakatayo kung hindi ibaluktot ang katawan nang 45 degrees. Magsisiliparan ang mga maliliit na bato. |
| 50 m/s ang bilis |
Babagsak ang mga karamihang bahay na gawa sa kahoy. Matutumba rin ang mga puno. |
| 60 m/s ang bilis |
Maaaring mabaluktot pati mga gawa sa bakal. |
(5) Sukat ng patak ng ulan
Ang mga sumusunod ay ang mga kondisyon batay sa sukat ng patak ng ulan.
| Sukat ng patak ng ulan sa isang oras |
Kondisyon |
| 5~10 mm |
Maiipon ang tubig sa kalsada. Maririnig nang maigi ang tunog ng ulan. |
| 10~20 mm |
Mahihirapang marinig ang usapan dahil sa lakas ng tunog ng ulan. Kapag nagpatuloy nang matagal ang ulan, mag-ingat at maghintay ng mga pahayag ukol dito. |
| 20~30 mm |
Maaaring umapaw ang tubig at magkaroon ng mababaw na baha. Posibleng magka-landslide. |
| Mahigit sa 30 mm |
Masyadong malakas ang ulan. Maghanda para sa paglisan at kung mukhang hindi na ligtas sa sariling tirahan ay kusang pumunta sa lugar kung saan maaaring lumisan. |
(6) Kapag may bagyo
1 Isara ang mga bintana o shutter. |
2 Huwag lumabas kung malakas ang hangin. |
3 Alamin ang pinakabagong ulat ukol sa bagyo. Lumisan kaagad kahit na hindi pa gaanong kalakas ang hangin basta’t may pahayag na kinakailangang lumisan. |
4 Huwag lumapit sa bumagsak na poste ng kuryente o mga linya ng kuryente. |
|