日本語 English 中文 Hangle Espanol Portugues Tagalog
Multilingual Living Information
Preface Member of Editiorial Board
TGP02-3

2
Sa panahon ng likas na kapahamakan
2-3 Matinding pagbagsak ng snow (ooyuki at gousetsu)
Bumabagsak ang snow sa mga rehiyon na malalamig, tulad ng mga lugar sa hilaga, sa silangang-hilaga na malapit sa Japan Sea at sa Hokkaido mula Disyembre hanggang Marso. May mga pagkakataong umaabot ng mahigit sa 5m ang taas ng naipon na snow (ito ang tinatawag na gousetsu) depende sa taon at maaaring gumuho ang bahay na gawa sa kahoy kapag ito ay matabunan nito.
(1) Ingatan ang sarili sa gitna ng matinding pagbagsak ng snow
Kinakailangan maging laging handa sa pagbagsak ng snow ang mga taong nakatira sa lugar sa hilaga, sa silangang-hilaga na malapit sa Japan Sea at sa Hokkaido na kung tawagin ay yukiguni. Magsuot ng mga sapatos na hindi madulas kapag lalabas at tiyaking walang masyadong maraming dala upang magamit ang dalawang kamay at mag-ingat upang hindi madulas at madapa.
Importanteng laging magtanggal ng mga naipong snow subali’t mag-ingat nang husto dahil maraming mga namamatay dahil sa pagtanggal ng naipong snow mula sa bubong. Kapag magtatanggal ng naipong snow sa bubong, siguraduhing may taling sumusuporta sa inyong sarili, hindi madulas ang sapatos, hindi gumagalaw ang akyatan at mainam na gawin ito nang may iba pang kasama at hindi nag-iisa. Sa pagtatanggal naman ng naipong snow sa paligid ng bahay, mag-iingat sa snow na nahuhulog mula sa bubong.
(2) Pagmamaneho sa mga daan na natabunan ng snow
Iwasan ang pagmamaneho sa mga daan na natabunan ng snow. Kapag kinakailangang magmaneho, mag-ingat sa mga sumusunod.
1 Huwag biglaan at siguraduhing dahan-dahan ang pag-apak sa akselereytor at breyk at paggamit ng manibela. Bawal ang biglaang pag-andar o paghinto ng sasakyan.
2 Daanan ang mga kalsadang maraming gumagamit.
3 Kapag matagal o mahaba ang pagmamaneho, ipasuri muna ang baterya ng sasakyan sa mga gasolinahan.
4 Studless tire ang dapat na ginagamit sa mga sasakyan kapag dadaan sa mga daan na natabunan ng snow. Delikado ang paggamit lamang nito sa dalawang gulong sa harap ng sasakyan kaya’t siguraduhing ito ang gamitin para sa lahat ng gulong. Kapag tire chain ang gagamitin, patakaran na gamitin lamang ito sa dalawang gulong sa harap ng sasakyan.


CLAIR