
|
Sa panahon ng likas na kapahamakan |
|
2-7 Paglisan (evacuation)
(1) Pagtiyak ng mga lugar kung saan maaaring lumisan
| Panandaliang lugar para sa paglisan (o panandaliang lugar ng pagtitipon) |
Ito ay lugar kung saan maaaring lumisan at panandaliang iligtas ang sarili sa panahon ng kalamidad. Ito rin ang lugar ng pagtitipon bago pumunta sa malaking lugar para sa paglisan. Ito ay kadalasang elementaryang paaralan o junior high school o park na malapit. |
| Malaking lugar para sa paglisan |
Ito ay lugar kung saan maaaring lumisan sa oras ng malaking kalamidad upang iligtas ang sarili. Pangkaraniwang malaking lugar ito tulad ng park o plasa. |
 Ang mga lugar para sa paglisan ay pangkaraniwang may larawan ng taong tumatakbo sa luntiang bilog o di kaya ay may nakasulat na hinan basho sa wikang Hapon.
Maging handa sa mga oras ng kalamidad at kumuha ng mapa ng mga lugar para sa paglisan upang malaman kung paano pumunta dito.
(2) Patnubay tungkol sa paglisan
Nagpapahayag na kinakailangang lumisan ang munisipyo sa panahon ng kalamidad o kung may posibilidad na magkaroon nito kaya’t sundin ito at lumisan kasama ng ibang kapit-bahay. Ngunit sa situwasyon kung saan nakikita ninyong may usok na o sunog, delikado na ito kaya’t kusang lumisan lamang kahit wala pang pahayag mula sa munisipyo.
(3) Paraan ng paglisan
Huwag magdala ng maraming gamit at maglakad lamang kung lilisan. Magtulungan kung may mga bata, matatanda o taong may sakit o nasugatan.
|